Claudine, sumabat sa word war nina Dennis at mga anak!

Claudine, sumabat sa word war nina Dennis at mga anak!

September 20, 2022 @ 12:44 PM 1 week ago


Manila, Philippones – Hindi na nakayanan pa ni Claudine Barretto na hindi makisali sa hidwaan sa pagitan nina Dennis Padilla at ng mga anak nito sa kapatid na si Marjorie.

Mismong si Claudine na ang nakiusap sa dating bayaw na manahimik na’t huwag nang sagutin ang mga pahayag, specifically ni Julia, sa interview ni Karen Davila.

Bagama’t binura na niya, na-screen shot pa rin ang mga sagot ni Dennis sa nasabing panayam.

Kinokorek lang ng komedyante ang mga pahayag ni Julia.

Isa na roon ang pagso-sorry ni Dennis sa kanyang mga anak, pero nagsori rin daw ba ang mga ito dahil nakapanakit din?

Binalikan din ni Dennis ang mga panahong malakas siyang kumita, na naubos din dahil sa pagtataguyod sa kanyang pamilya.

Ano pa raw bang paghihiganti ang gustong mangyari ng mga anak niya?

Pati ang paglipat ng bahay 14 times ay naungkat din.

Ani Dennis, siya rin naman ang gumastos sa mga paglipat na ‘yon.

Noong tinanggal ng mga anak niya ang apelyidong Baldevia, nakarinig daw ba ng sorry si Dennis?

At kung sinasabi ni Julia na namana nila ang ganda sa Barretto side, did Julia mean na hindi maganda ang Lola Lina nila na ina ni Dennis?

Sa bandang huli, nakiusap si Dennis na paglaanan din siya ng panahon ni Karen Davila to prove Julia wrong sa mga sinabi nito.

Ani Dennis, nais niyaΒ Β ring mapakinggan ang kanyang side to be fair.

Nag-respond naman si Karen. Ewan nga lang kung kailan ang sked ng interview kay Dennis.

Sa gitna ng mga nangyayaring ito, hindi na napigilan ni Claudine na umapela kay Dennis.

Sumosobra na raw ang komedyante, kaya tumigil na ito.

Sa side ni Marjorie ay ang anak pa lang nilang si Leon ang sumopla kay Dennis sa social media.

Let’s see how far this sagutan from both sides will go. Ronnie Carrasco III