Claudine, to-the-rescue sa binastos na PA!

Claudine, to-the-rescue sa binastos na PA!

August 20, 2022 @ 11:53 AM 1 month ago


Manila, Philippines – Maraming napahanga si Claudine Baretto sa kung paano niya na-achieve ang kanyang pangangatawan ngayon.

Mismong ang aktres na kasi ang nagsabi na 60 lbs ang nabawas sa kanyang timbang.

And Claudine attributes her significant weight loss to intermittent fasting.

Sa katunayan, nagpost si Mariel Rodriguez na nagsisilbing inspirasyon si Claudine.

Hiling ng mga fans ng aktres, sana raw ay tuloy na tuloy na ang ginagawang fitness regimen nito.

Welcome news nga raw na makitang back in shape na siya when she recently guested on GMA’s Wish Ko Lang.

Kaso, hindi nagustuhan ni Claudine ang comment ng isang fan na idinamay pa ang kanyang personal assistant.

Anito, pabayaan na lang daw ng aktres ang PA na si Sol Acap na kumain dahil malakas naman daw itong kumain.

Huwag na raw itong gayahin ni Claudine.

Resbak ng aktres, hindi raw dapat sinasaktan ng fan ang alalay na siyang nag-aalaga sa kanyang pamilya, most especially her kids.

Bagama’t maganda naman daw ang intensyon ng fan, it’s not right to hurt the person she cares about.

Pag-amin ni Claudine, between her PA and the fan ay mas kampi siya kay Sol.

Kunsabagay, walang iniwan ‘yon sa body shaming na may kaakibat nang parusa ngayon. Ronnie Carrasco III