Claudine, unli ang papuri kay Julia!



Claudine, unli ang papuri kay Julia!

June 10, 2021 @ 8:06 AM 2 weeks ago

  •  
  •  
  •  

MANILA, Philippines – Hindi itinatago ni Claudine Barretto na hanggang ngayon ay nagtatanim pa rin siya ng hinampo sa pamangking si Julia Barretto.

Dawit si Julia sa alitan ng magkapatid na si Claudine at ng kanyang inang si Marjorie sa gulong sumiklab sa lamay mismo ng kanyang lolo noong October 2019.

Nabalitang nagkaroon ng pisikal na engkuwentro sa pagitan ng magtiyahin, bagay na hindi pa rin nakakalimutan ni Claudine.

Aware ang 41 anyos na nagbabaliik na aktres na nasasadlak sa mga intriga si Julia. Negang-nega nga raw ang tingin dito.

Gayunpaman, hindi raw dahilan ‘yon ng ikababagsak ng pamangkin na tulad niya’y duman din sa ganoong stage noong bata-bata pa.

Naniniwala si Claudine na mabigyan lang daw si Julia ng tamang proyekto ay makakabawi ito.

“Dugong Barretto ‘yan, magaling ‘yan. Tapos, ang tatay pa niya, si Dennis Padilla na magaling din,” papuri ni Claudine kay Julia.

Kumbaga, nasa lahi raw ni Julia ang isang mahusay na aktres na hindi kayang igupo ng mga intriga. Ronnie Carrasco III


  •  
  •  
  •