Climate change consciousness week, tututukan ng DENR

Climate change consciousness week, tututukan ng DENR

November 23, 2022 @ 5:11 PM 6 days ago


MANILA, Philippines – Tiniyak ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) na magsasagawa ito ng aktibidad sa pagdiriwang ng National Climate Change Consciousness Week na nagsimula nitong Nobyembre 19 hanggang 25 na may temang “Sama-samang Tumutugon sa Hamon ng Nagbabagong Klima.”

Ayon kay Undersecretary for Finance, Information Systems and Climate Change Analiza Rebuelta-Teh, handang-handa na ang DENR para sa isang linggong selebrasyon na layuning maitaas ang kamalayan tungkol sa global warming at climate change kabilang na ang epekto nito.

“The DENR is all geared up for the celebration of the National Climate Change Consciousness Week in the most opportune time when the focus of Secretary Maria Antonia Yulo Loyzaga’s leadership is climate-resilient development,” saad ni Teh.

“With the recently concluded COP27 climate conference in Egypt, the DENR prepared for a much intensive information drive to teach Filipinos on how to combat climate change and its drastic effects starting this year,” dagdag nito.

Dahil dito, ang DENR sa pamamagitan ng Climate Change Service ay naghanay ng iba’t-ibang aktibidad para sa isang linggong paggunita.

Kaugnay nito, noong Nobyembre 21 ay nagkaroon ng Climate Investment Forum na may titulong “Turning Climate Commitments to Action” na ginanap sa Quezon City.

Ang event na ito ay pangungunahan ng Climate Change Commission kasama na ang DENR, Department of Finance, Securities and Exchange Commission, United Nations Development Programme at World Bank.

Samantala nagsagawa naman ng workshop noong Nobyembre 22-23 tungkol sa Cool Contributions Fighting Climate Change o ang C4II na isang GIZ project katuwang ang DENR at ang Department of Energy.

Layunin nito na makakuha ng suporta ang Pilipinas para sa climate-friendly initiative sa refrigeration at air-conditioning sector.

Sa pakikipagtulungan na rin ng DENR-Cordillera Administrative Region, ang event na ito ay gaganapin sa Barangay Sta. Filomena, Calanasan, Apayao at sa munisipalidad ng Lagayan, Abra sa Nobyembre 24 at 28, ayon sa pagkakasunod. Santi Celario