Climate change lumalala – UN report

Climate change lumalala – UN report

November 7, 2022 @ 10:56 AM 4 weeks ago


SHARM EL SHEIKH, Egypt — Kada isa sa nakalipas na walong taon, sakaling mananatili ang pagtataya para sa 2022, ay mas magiging mainit ang panahon, ayon sa UN nitong Linggo, batay sa mas bumibilis na pagtindi ng global warming.

Bumilis ang sea level rise, glacier melt, torrential rains, heat waves—at mga nakamamatay na sakuna— ayon sa World Meteorological Organization sa ulat nito sa pagbubukas ng COP27 UN Climate Summit sa Sharm el-Sheikh, Egypt.

“As COP27 gets underway, our planet is sending a distress signal,” ani UN chief Antonio Guterres, at inilarawan ang ulat na “a chronicle of climate chaos.”

Uminit ang daigdig ng mahigit 1.1 degrees Celsius mula noong late 19th century, kung saan naganap ang halos kalahati ng pagtaas sa nakalipas na 30 taon, base sa ulat.

Halos 200 bansa ang nagtipon sa Egypt sa iisang layunin na panatilihin ang pagtaas ng temperatura sa 1.5°C (2.7 degrees Fahrenheit), amg layuning pinaniniwalaan ng mga eksperto na hindi na maaabot.

“The greater the warming, the worse the impacts,” ayon kay WMO head Petteri Taalas.

“All over our planet, records are being shattered as different parts of the climate system begin to break down.”

Record level ang lahat ng greenhouse gases na kumakatawan sa 95 porsyento ng pag-init, ayon sa annual State of the Global Climate ng WMO.

Ang mga mahihirap na bansa ang sinasabing “least responsible” para sa climate change pero pinakaapektado rito.

“But even well-prepared societies this year have been ravaged by extremes– as seen by the protracted heatwaves and drought in large parts of Europe and southern China,” sabi ni Taalas.

“If there was ever a year to swamp, shred and burn off the blinkers of global climate inaction then 2022 should be it,” giit ni Dave Reay, pinuno ng University of Edinburgh’s Climate Change Institute.

“The world now has a monumental job of damage limitation.” RNT/SA