Climate change tututukan ni PBBM

Climate change tututukan ni PBBM

October 5, 2022 @ 3:08 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Pangunahing national agenda ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang “resiliency and adaptation” ng Pilipinas sa “new normals” pagdating sa climate change.

“As your President, I assure you that our environment and our country’s resiliency and adaptation to the new normals of climate change are on top of the national agenda. We ensure that the initiatives we will take will enable us to become smarter, more responsible, more sustainable in all that we do,” ang bahagi ng naging talumpati ng Pangulo sa 2022 multi-stakeholder forum na inorganisa ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa Grand Ballroom, Diamond Hotel sa Maynila, araw ng Miyerkules, Oktubre 5.

“The road ahead will be long and it will be tough, but we must stay strong and accept that it will be a battle that we all must wage, and even more importantly, it’s a battle that we must win,” dagdag na wika nito.

Pinuri naman ni Marcos ang DENR sa pag-organisa ng three-day forum kung saan nagsama-sama ang iba’t ibang stakeholders.

Inaasahan na magkakaroon ng kolaborasyon sa ahensiya at iba pang departamento ng pamahalaan para lumikha at magpatupad ng programa tungo sa “climate, disaster resilience at sustainable development.”

Ani Pangulong Marcos, kumpiyansa siya na ang forum ay magsisilbing plataporma para sa mga magpapartisipa upang matukoy ang iba’t ibang mga suliranin ng bawat sektor at maging ang pangangalap ng impormasyon ukol sa mga prayoridad para sa posibleng pagsama sa policy agenda ng DENR at multi-year Roadmap for Programs, Activities and Projects.

“I know it’s only a beginning of a challenging but most important task of protecting the only Earth and home that we know,” ayon kay Pangulong Marcos sabay sabing “In this collective fight, we are not soldiers; we are stewards. There will be no weapons to use; only behaviors and practices to improve upon.”

Binigyang diin ni Pangulong Marcos ang kahalagahan na gamitin at paunlarin ang natural na likas-yaman ng bansa.

Kumpiyansa pa ring inihayag ng Pangulo na ang forum ay aani ng mabungang talakayan na tugma o angkop sa policy agenda ng DENR.

“Along with the outcomes of this forum, I expect that we will be able to accelerate the DENR’s mission of mobilizing our capacities and resources to preserve, conserve, and manage our environment,” ayon sa Punong Ehekutibo.

“I also expect this forum to lay down a strategic direction to maximize the use of the country’s natural wealth and to promote inclusive and sustainable economic growth,” dagdag pa niya.

Umaasa naman ang Pangulo na magkakaroon ng makabuluhang resulta ang usapan na makatutulong para mapagyaman ang national wealth at resources ng bansa.

“More importantly, I wish this event to be an opportunity for the government and private partners to actively collaborate in translating an integrated and multi-stakeholder Resiliency Framework into actions that will sustain the growth of this sector,” ani Marcos. Kris Jose