Climate change, unemployment, military tensions mga pangunahing hamon sa SE Asia – sarbey

Climate change, unemployment, military tensions mga pangunahing hamon sa SE Asia – sarbey

February 17, 2023 @ 9:48 AM 1 month ago


MANILA, Philippines- Bukod sa banta ng COVID-19, nakikita ng mga Pilipino ang climate change, unemployment at economic recession, at increased military tensions bilang tatlong pinakamalalaking hamon na kinakaharap ng Southeast Asia ngayong 2023, ayon sa pinakabagong State of Southeast Asia survey.

Batay sa pag-aaral na inilathala noong Feb. 9, tinukoy ng respondents mula sa Pilipinas ang climate change at mas malakas at madalas na weather events bilang nangungunang banta sa buong rehiyon.

“76.8% of Philippine respondents say that climate change is their biggest threat, overtaking unemployment and recession, as the pain of destruction is felt most acutely from Typhoon Nalgae (Paeng) at the end of October 2022,” ayon sa ASEAN Studies Centre sa ISEAS Yusof Ishak Institute.

Mahigit kalahati rin ang pumili sa joblessness (60.6%) at increased military tensions mula sa potential flashpoints gaya ng South China Sea, Taiwan Strait, at sa Korean Peninsula (50.5%).

Samantala, mayorya ng Southeast Asians (59.5%) ang natatakot sa unemployment at economic recession sa muling pagbangon ng rehiyon mula sa eoekto ng COVID-19 crisis, na sinundan ng paglala ng klima (57.1%).

Kapwa naman nasa ikatlong pwesto ang lumalawak na socio-economic gaps at tumataas na income disparity, at increased military tensions (41.9%).

Lumahok sa ASEAN Studies Centre ang 1,308 Southeast Asian nationals na affiliated sa academe, private sector, government, civil society, at regional o international groups mula Nov. 14, 2022 hanggang Jan. 6, 2023. Kumakatawan ang mga Pilipino sa 7.6% ng kabuuang bilang. RNT/SA