Clinical trials ng Sinovac sa Pinas, hindi makakaapekto sa pag-rollout sa Pebrero

Clinical trials ng Sinovac sa Pinas, hindi makakaapekto sa pag-rollout sa Pebrero

January 19, 2021 @ 7:16 PM 1 month ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Sinabi ng Malakanyang na hindi makakaapekto ang clinical trials ng Sinovac Biotech’s COVID-19 vaccine sa Pilipinas sa planong pag-rollout sa Pebrero.

Ang inisyal na 50,000 doses ng Sinovac vaccine o mas kilala bilang CoronaVac ay darating sa Pilipinas sa susunod na buwan.

Ang aplikasyon nito para sa emergency use authorization ay nakatakdang aprubahan sa Pebrero 20 ayon kay vaccine czar Secretary Carlito Galvez Jr. noong nakaraang linggo.

“Wala pong epekto iyan doon sa paggamit natin ng Sinovac kasi kung magagamit po iyan kinakailangan ma-issuehan muna ng emergency use authorization,” ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque.

“But the clinical trial will be still useful for purposes of the general use authorization ng Sinovac,” dagdag na pahayag nito.

Samantala, sa Laging Handa briefing ay inanunsyo naman ni Food and Drug Administration Director General Eric Domingo na ang lahat ng aplikasyon para sa pagsasagawa ng clinical trials sa bansa ay aprubado na kabilang ang Sinovac.

Ang CoronaVac ay “cleared” na “for emergency use” sa China, Indonesia, Brazil at Turkey sa kabila ng mga naglutangang balita na ito’y “less effective” kumpara sa ibang brands. Kris Jose


  •  
  •  
  •