Cloe Barreto, aminadong baliw sa pag-ibig!

Cloe Barreto, aminadong baliw sa pag-ibig!

August 9, 2022 @ 10:59 AM 2 months ago


Manila, Philippines – SI Sean de Guzman ang bida sa pelikulang The Influencer mula sa 3:16 Media Network at Mentorque Productions. Gumaganap siya bilang si Yexel na isang sikat na influencer.

Kasama sa pelikula si Cloe Barreto bilang si Nina na sobrang in-love at obsessed kay Sean.   Sa tanong kay Cloe kung gaano kalapit sa personalidad niya ‘yung papel niya na nababaliw sa pag-ibig, ang sagot niya na  natatawa ay, Baliw din po talaga ako sa pag-ibig. ‘Pag nagmahal po ako, walang bawal-bawal! ‘Yun po, medyo malapit din po du’n. Pero hindi naman po ako nagtatali ng lalaki. Ha! Ha! Ha! Ha! Ako po ‘yung itinatali, charing! Ha! Ha! Ha!”

Kaya nasabi ni Cloe na hindi siya nagtatali dahil sa The Influencer ay may eksena sila ni  Sean na tinali niya ito dahil sa galit niya rito sa pagiging babaero.

Sina Sean at Cloe ay parehong nasa pangangalaga ng 3:16 Events and Talent Managament ni Ma’m Len Carrillo.

Para kay Cloe, pinaka-daring sa kanya ang naging role niya sa The Influencer.

“Kung daring ako sa Tahan, mas daring ang role ko sa The influencer. Malakas lang talaga ang loob ko na gawin ang mga ganu’ng eksena,” sabi naman ni Cloe.

Ang The Influencer ay mapapanood na simula sa Agosto 12, Biyernes, sa Vivamax. Idinirek ito ni Louie Ignacio, at mula sa panulat ni Quinn Carrillo. Rommel Placente