Cloe Barreto, nag-breakdown, humagulgol

Cloe Barreto, nag-breakdown, humagulgol

July 16, 2022 @ 12:04 PM 4 weeks ago


Manila, Philippines – Hindi napigilan ng Vivamax star na si Cloe Barreto ang humagulgol sa mediacon ng private screening ng pelikulang Tahan. Nabanggit kasi ang ilang nga unforgettable moments ng cast sa kanilang mga ina, lalo’t tungkol sa isang ina ang pelikula na binebenta ang ‘escort girl’ na anak sa mga lalake.

“Hindi ko makakalimutan ‘yung paulit-ulit akong tinanggap ng aking nanay kahit na paulit-ulit din na gumagawa ng mali.

“Sorry ha, basta nanay talaga ang pinag-uusapan e, naiiyak ako,” sabi pa ni Cloe habang patuloy na umiiyak.

Idinagdag pa ni Cloe na walang magulang na gustong masaktan o gumawa ng mali ang anak.

Nagbiro naman ang kanyang manager na si Mommy Len Carillo na malamang ay siya ‘yung ‘nanay’ na tinutukoy ni Cloe.

Ibinida rin ni Cloe na marami siyang natutunan kay Jacklyn Jose, na gumanap bilang nanay ni Cloe sa Tahan movie.

“Marami akkng natutunan kay Ms. Jaclyn. At home ako sa kanya kasi very cool.

“Sinabi niya na sa love scene, dapat huwag nang mag-inarte, dapat i-execute nang maayos para hindi na nate-take 2,” kuwento pa ni Cloe.

Kasama rin ni Cloe sa pelikula sina JC Santos,

Mercedes Cabral, Karl Medina, Jet Delgado, AJ Oteyza, at EJ Salamante. Ang tahan ay sinulat ni Quin Carillo, directed by Bobby Bonifacio. JP Ignacio