COA audit sa COVID vaccination handang harapin ng DOH

COA audit sa COVID vaccination handang harapin ng DOH

November 17, 2022 @ 10:02 AM 2 weeks ago


MANILA, Philippines – Nagpahayag ng kahandaan ang Department of Health (DOH) na makipag-ugnayan sa mga otoridad at tumalima sa proseso ng pag-audit ng mga biniling bakuna para sa COVID-19 vaccination program ng bansa.

“On the subject of COVID-19 vaccine expenditures, the DOH is ready to coordinate and comply with the COA’s (Commission on Audit) auditing process and provide all required documents available to the DOH in accordance with existing laws,” pahayag ng DOH.

Sinabi rin ng Kagawaran na handa rin nitong harapin ang anumang imbestigasyon tungkol sa implementasyon ng programa.

“The DOH welcomes any inquiries from our partners in the Congress and the Commission on Audit concerning the DOH’s performance of its mandates,” dagdag pa.

Nitong Martes, Nobyembre 15 ay sinabi ni Senate Committee on Finance Chairman Sonny Angara na hindi pa nagbibigay ang COA ng audit sa COVID-19 vaccines na binili mula 2020 hanggang 2021.

Ayon kay Angara, na hindi pa ino-audit ng COA ang vaccination program dahil sa non-disclosure agreement na nilagdaan ng gobyerno at ng mga vaccine manufacturer.

May kabuuang 165,439,563 COVID-19 vaccine doses na ang naibigay sa bansa hanggang nitong Nobyembre 15, batay sa COVID-19 vaccination dashboard ng DOH.

Marso 1, 2021 nang simulan ng Pilipinas ang COVID-19 vaccination program. Jocelyn Tabangcura-Domenden