COA ginisa ni Hontiveros sa naantalang pagpapalabas ng special audit sa Pharmally

COA ginisa ni Hontiveros sa naantalang pagpapalabas ng special audit sa Pharmally

November 16, 2022 @ 10:56 AM 2 weeks ago


AMNILA, Philippines- Ginisa ni Senador Risa Hontiveros ang Commission on Audit (COA) hinggil sa naantalang pagpapalabas ng special audit sa transaksiyon ng gobyerno sa Pharmally Pharmaceutical Corporation partikular ang pagbili ng multi-bilyong halaga ng face shield sa kasagsagan ng pananalasa ng COVID-19.

Sa ginanap na plenary debates ng panukalang 2023 national budget sa pamumuno ni Senador Sonny Angara, chairman ng Senate committee on finance, sinabi ni Hontiveros na wala pang update ang COA sa mambabatas hinggil sa kalagayan ngayon ng special audit.

Binanggit ni Hontiveros ang napaulat nitong Enero na nakatakdang magpalabas ang COA special audit team nitong Marso, ngunit hindi nangyari.

Ayon kay Angara, na nagdepensa ng state audit agency na nasa final stages ang pagsusuri ng COA at maipapalabas ang kumpletong report sa loob ng dalawang buwan.

Pero, muling iginiit ni Hontiveros na nangako ang COA na ipapalabas ang report sa Phaarmaly deal sa pagtatapos ng 2021.

“But between March and now— eight months– so kung ang final report po natin sa dalawang buwan pa, bagong taon na po, 2023 na po,” ani Hontiveros.

“Dalawang taon na mula nang dapat na 2021 submission, so bakit pa-delay nang pa-delay… What’s causing the delay sa COA na aming inaasahan na katuwang ng Senado ng buong Kongreso sa pagbabantay ng public funds?” tanong niya.

Ipinaliwanag ni Angara na ang bagong COA Chairman Gamaliel Cordoba “just warmed his seat” but he vowed “to be on top of the situation” and submit the report within two months.”

Sinabi ni Angara kay Hontiveros na mayroon nang inisya findings agn COA pero nasa proseso na silang ng pagtatama at kumukuha ng kumpirmasyon o apirmasyon sa taong sangkot dito.

“Nangako ang COA na huling extension na ito para sa report,” dagdag ni Angara.

“Aasahan po namin ‘yung makumpleto, maiuulat sa publiko ang special task force investigation ng COA at ang final report niya, para matukoy talaga ano yung kumpletong mga krimen na ginawa dito sa Pharmally, sinu-sino ang mga accountable at para masingil yung accountability po na iyon,” giit ni Hontiveros. Ernie Reyes