LTFRB magbubukas ng higit 100 ‘modified’ routes bago mag-F2F classes

August 11, 2022 @6:46 PM
Views:
9
MANILA, Philippines- Sinabi ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) nitong Huwebes na balak nitong buksan ang 100 bus, jeepney, at UV Express routes sa Metro Manila upang dagdagan ang public transportation supply bilang paghahanda sa muling pagbubukas ng face-to-face classes sa buwang ito.
“Yes, more than 100 routes that we will open next week, before the opening of classes on August 22. We will issue the memorandum circular on this new routes or modified routes as you will call it to address the need for more buses ang vehicles for the face-to-face classes,” ani LTFRB chairman Cheloy Garafil matapos ang ikalawang hearing ng ahensya sa petisyon para sa fare hike sa public utility buses.
“The routes are comprised of buses, jeepneys, and UV Express,” dagdag niya.
Sinabi ng LTFRB chief na ang ahensya, alinsunod sa utos ni Transportation Secretary Jaime Bautista, ay magbubukas ng modified routes sa mga lugar na may maraming paaralan kagaya ng University Belt sa Manila dahil nangangailangan ng mas maraming public transportation para sa mga estudyante na magbabalik-eskwela.
Para naman sa mga jeep at UV Express, sinabi niyang “all non-EDSA routes will be reopened.”
Inanunsyo ng Department of Transportation (DOTr) noong Hulyo na muli nitong bubuksan ang mga ruta para sa city buses sa Metro Manila kasabay ng muling pagbubukas ng klase sa Agosto 22.
Samantala, magtatalaga naman ang MMDA ng 2,238 personnel sa kahabaan ng major roads at sa high-density schools sa Metro Manila kung saan 581 traffic enforcers ang ipakakalat sa 148 paaralan sa National Capital Region (NCR). RNT/SA
Rider sinalpok; nagulungan ng mixer!

August 11, 2022 @6:41 PM
Views:
13
MANILA, Philippines- Agad na binawian ng buhay ang isang rider matapos na masalpok ng nasa likurang mIxer truck at magulungan pa kahapon sa lungsod ng Quezon.
Kinilala ang biktima na si Henry Sumigao Guianan, nasa hustong gulang, residente ng De Gloria EXT., Area B, Batasan Hills, Q.C.
Agad namang dinakip ang driver ng Sany Mixer truck na may conduction sticker number N1 U945, na si Daniel Calimquim.
Sa ulat ng Quezon City Police District (QCPD) Traffic Sector 3, bandang alas-5:28 ng hapon (August 10), nang maganap ang aksidente sa kahabaan ng Elliptical road sa kanto ng Commonwealth Ave,. Brgy. Old Capitol Site, Q.C.
Sa imbestigasyon ni PSSG Jaime Samson ng Traffic Sector 3, kapwa binabaybay ng biktima sakay ng Honda wave Motorcycle na may plakang 1366-0340455 at ng driver ng Mixer Truck ang kahabaan ng Elliptical road galing sa Kalayaan Ave., patungong Commonwealth Ave., sa lungsod.
Pero pagsapit sa nasabing lugar ay nasalpok ng Mixer Truck ang likuran ng motorsiklo ng biktima dahilan upang bumagsak ito sa semento.
Sa kasamaang palad ay hindi agad naipreno ng driver ang minamanehong mixer truck at nagulungan pa ang rider sanhi ng agarang kamatayan ng biktima.
Nakapiit na ang driver ng mixer truck at inihahanda na ang kasong Reckless Imprudence Resulting in Damage to Property with homicide sa piskalya ng lungsod. Jan Sinocruz
P14.7M iligal na droga naharang ng BOC sa NAIA

August 11, 2022 @6:32 PM
Views:
10
MANILA, Philippines- Nasabat ng mga opisyal ng Bureau of Customs (BOC) sa Ninoy Aquino International Airport ang tatlong pakete ng ilegal na droga na nagkakahalaga ng P14.7 milyon ngayong araw.
Sa ulat ng Port of NAIA, isang outbound parcel sa DHL Warehouse ang naglalaman ng 300 gramo ng methamphetamine hydrochloride (HCL), na kilala sa tawag na shabu, na nakatago sa loob ng wall sticker.
Habang nasa dalawa pang papasok na parcel sa Central Mail Exchange Center (CMEC) ang naglalaman ng Ecstasy na nakatago naman sa loob ng mga karton at bed sheet.
Ang palabas na kargamento ay idineklara na palamuti sa bahay (wall sticker) at sumailalim sa X-ray, na kalaunan ay nagpakita ng mga puting kristal na sangkap. Kalaunan ay napatunayang shabu ito na nagkakahalaga ng hindi bababa sa P2.04 milyon.
Idineklarang “women’s and baby wear gift” ang ikalawang shipment na papasok sa CMEC, ngunit nabuking ito na Ecstasy na nagkakahalaga ng P8.9 milyon. Ang huling shipment, na hindi idineklara, ay nakumpirma rin na mayroong Ecstasy, na nagkakahalaga ng P3.8 milyon.
Ayon sa Port of NAIA, patuloy ang imbestigasyon para arestuhin ang nasa likod ng illegal trade dahil sa posibleng paglabag sa Republic Act (RA) 9165, o Comprehensive Drug Act at RA 10863, o Customs Modernization and Tariff Act (CMTA). JAY Reyes
P46M yosi nasabat ng BOC

August 11, 2022 @6:18 PM
Views:
14
MANILA, Philippines- Tinatayang nasa higit P46 milyon halaga ng mga ismagel na sigarilyo ang muling nasamsam ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC) Port of Subic na nagmula sa bansang Singapore.
Ayon sa BOC, nakatanggap ang Port ng impormasyon sa nasabing kargamento, na nagresulta sa pagpapalabas ng Pre-Lodgement Control Order. Nasa kabuuang 1,122 master case ng Marvels Filter Cigarettes na idineklara bilang mga tela ang natuklasan sa pisikal na pagsusuri.
Sa isinagawang imbestigasyon, na ang nagsilbing consignee ng nasabing kontrabando na Proline Logistics Philippines Inc., ay hindi rehistradong SBMA locator ng mga dayuhang sigarilyo at produktong tabako. Hindi rin ito kasama sa listahan ng Bureau of Internal Revenue (BIR) List of Registered Importers of Cigarette Brands.
Dahil dito, naglabas ng warrant of seizure at detention si Maritess T. Martin, District Collector ng Port, laban sa shipment dahil sa paglabag sa National Tobacco Administration (NTA) Memorandum Circular No. 03 at Republic Act No. 10863, o ang Customs Modernization Tariff Act.
Matatandaan na noong nakaraang buwan ay nasamsam ng nasabing Port ang dalawang shipment na nagkakahalaga ng P84.97 milyon mula sa parehong consignee.
Sinabi ni Martin na patuloy na palalakasin ng Port of Subic ang mga pagsisikap nito sa pagprotekta sa hangganan laban sa pagpasok ng mga ipinagbabawal na produkto sa bansa. JAY Reyes
DOLE naglabas ng P128M tulong para sa Abra quake victims

August 11, 2022 @6:04 PM
Views:
18