Coach ng Timberwolves, sinibak

Coach ng Timberwolves, sinibak

February 23, 2021 @ 8:01 AM 1 week ago

  •  
  •  
  •  

UNITED STATES – Bunsod ng hindi magandang record sa ginaganap na NBA regular season, tuluyan nang sinibak ng Minnesota Timberwolves ang kanilang head coach.

Kinumpirma ito ng koponan at sinabing inalis na nila ang kanilang head coach na si Ryan Saunders nang matalo sila sa laban kontra New York Knicks.

Ayon sa koponan, nagdesisyon silang magpalit ng coach dahil sa mababang standing ng koponan sa Western Conference.

Sa kasalukuyan hawak ng Timberwolves ang pitong panalo at 24 talo.

Wala pa namang inaanunsyo ang koponan kung sino ang ipapalit kay Saunders. Rico Navarro


  •  
  •  
  •