Coaching staff ng San Beda, sinibak, humihingi ng hustisya

Coaching staff ng San Beda, sinibak, humihingi ng hustisya

October 28, 2022 @ 4:00 PM 1 month ago


MANILA, Philippijes – Sinibak ng San Beda si coach Manu Inigo at ang buo niyang coaching staff sa sa programa ng Red Cubs.

Ibinahagi ng manager ng team na si Jarvis Co sa isang Facebook post ang hindi magandang balita na ibinigay ni Inigo at ng kanyang buong staff ang pink slip noong Huwebes.

Inalis din  sina Co at assistant coaches Noli at Andy Mejos, at VL Sandalo.

Nadismaya at sumisigaw ng hustisya ang mga sinibak ng coaches team dahil sa kawalan ng angkop na proseso sa pagtanggal sa kanila.

Naging malaking dagok ang kaganapan sa isang ipinagmamalaking programa ng San Beda juniors na naghahangad na ipagtanggol ang korona nito matapos ang huling panalo sa NCAA Season 95.