Coal-free sa 2041 target ng Meralco

Coal-free sa 2041 target ng Meralco

November 22, 2022 @ 6:58 AM 2 weeks ago


MANILA, Philippines – Target ng Meralco na maging coal-free mula 2041 hanggang 2050, at posibleng gamitin ang nuclear sources para makamit ang layuning ito.

Ipinabatid ito ni First Vice President at Chief Sustainability Officer ng pribadong electrical company na si Raymond Ravelo, na binalangkas ang kanilang pangmatagalang sustainability plan sa Pilipinas Conference 2022 sa Ayala Museum noong Lunes.

Sinabi niya na mula 2041 hanggang 2050, ang Horizon 3 ay magkakaroon ng Meralco na “drive deep decarbonization through various levers, such as hydrogen, carbon capture utilization storage, and ultimately our drive is to be coal free by the midpoint of this century.”

Pero sa Horizon 2, sinabi ni Ravelo na target ng Meralco ang paggamit ng nuclear sources mula 2031 hanggang 2040.

“We’ll see the acceleration of our green energy shift, through the assessment and adoption of next generation clean energy technologies such as battery energy storage systems, offshore wind, and nuclear, with a specific focus on small, modular reactors,” aniya pa.

Sa kasalukuyan, ang Meralco ay nagpapatupad ng Horizon 1, na naglalayong simulan ang isang low-carbon transition mula 2021 hanggang 2030. Sinabi ni Ravelo na mas mamumuhunan ang kumpanya sa renewable energy sa yugtong ito.

Sinabi rin niya na ang kumpanya ay ginagabayan ng United Nations Sustainable Development Goals, partikular ang layunin ng pagbibigay ng abot-kaya at malinis na enerhiya, at nakagawa na sila ng matibay na hakbang tungo sa malinis na enerhiya. RNT