Coast Guard may mahalagang gampanin sa pagtatanggol sa bansa – PBBM

Coast Guard may mahalagang gampanin sa pagtatanggol sa bansa – PBBM

January 27, 2023 @ 8:57 AM 2 months ago


MANILA, Philippines – Umaasa si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na idedepensa ng Philippine Coast Guard hindi lamang ang coastlines ng bansa kundi maging ang mga mamamayang Filipino.

Sa naging talumpati ng Pangulo sa oath-taking ceremony ng PCG officers sa Malakanyang, sinabi ni Marcos na maraming mga tungkulin na dating ginagawa ng Navy ay nailipat na sa Coast Guard.

“The reason for this is very simple. We do that so that we will not raise the tensions by putting in units and assets of the Philippine military into the area,” ang sinabi ni Panglong Marcos ayon sa Presidential Communications Office.

“Because… these are not military vessels. They are coast guard,” dagdag na wika ng Pangulo.

Tinukoy ang mga insidente sa nakalipas na mga taon, sinabi ng Pangulo na ang misyon ng coast guard ay naging “more intense.”

“But as many of the incidents have started to show over the past few years, that mission has become more, shall we say, intense,” aniya pa rin.

“Now you are expected to defend not only the coastline but to defend our nationals,” ang wika ng Punong Ehekutibo.

Sa kabilang dako, hindi naman binanggit sa kalatas na ipinalabas ng PCO ang isyu ukol sa South China Sea subalit mahalaga ang naging papel ng PCG sa insidente sa resource-rich area.

Sa ulat, kasunod ng insidente kamakailan sa Ayungin Shoal, sinabi ng Philippine Coast Guard’s Task Force Pag-Asa na dinagdagan nito ang patrol vessels saWest Philippine Sea.

Ayon sa PCG, para rin ito sa kaligtasan ng mga Pilipinong mangingisda, kasunod ng insidente noong Enero 9, kung saan napaulat na tinaboy ng Chinese Coast Guard ang isang Filipino fishing boat sa Ayungin Shoal.

Sinabi ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Jaime Bautista at PCG Commandant CG Admiral Artemio Abu na ipagpapatuloy ng PCG ang pagsunod sa rules-based approaches sa pagtitiyak sa seguridad ng Exclusive Economic Zones (EEZ) ng bansa.

Inihayag naman ni Armed Forces of the Philippines Spokesperson Col. Medel Aguilar na sana ay tinutugunan na ng PCG ang insidente.

Sa kasalukuyan ay wala pang komento ang Chinese Embassy hinggil sa Ayungin Shoal incident.

Naganap ang insidente matapos magkasundo ng Manila at Beijing na magtatag ng direct communication line tuwing may maritime incidents kagaya nito sa West Philippine Sea.

Inaangkin ng Beijing ang halos kabuuan ng teritoryo sa kabila ng international court ruling na kung saan sinabing walang legal basis ang claim nito.

Samantala, sinabi ng Pangulo na patuloy na ia- upgrade ng kanyang administrasyon ang kakayahan, pasilidad at equipment ng PCG.

“This is something that is critical to the safety of the citizens of the Philippines. It is critical in the defense of the Republic. It is critical to the defense of our territory,” ayon kay Pangulong Marcos.

“I’m confident that all of our officers know this mission, that all our officers know how to fulfill that mission. And that is why we continue to support you in every way that we can so our citizens feel safe,” aniya pa rin. Kris Jose