Coast Guard, militia ng Tsina spotted sa WPS

Coast Guard, militia ng Tsina spotted sa WPS

February 23, 2023 @ 7:04 AM 1 month ago


MANILA, Philippines – Patuloy pa rin ang pag-aligid at paglalayag ng mga sasakyang pandagat ng China, kabilang ang pinaghihinalaang maritime militia, sa West Philippine Sea sa kabila ng mga bagong protesta na isinagawa ng gobyerno ng Pilipinas.

Natuklasan ng Philippine Coast Guard (PCG) sa kamakailang isinagawang aerial inspection, na marami pa ring Chinese Coast Guard vessel at militia ships ang napanatili ang kanilang presensya sa Ayungin at Sabina Shoals — na parehong bahagi ng exclusive economic zone (EEZ) ng Manila.

Dagdag pa nito na nakakita sila ng hindi bababa sa 26 na mga sasakyang pandagat ng Beijing na naka-angkla sa paligid ng Sabina Shoal, habang hindi bababa sa apat na pinaghihinalaang barko ng militia ang naobserbahan sa paligid ng Ayungin.

“Ang mga pinaghihinalaang [militia] na sasakyang pandagat ay inatasan na agad na umalis sa EEZ ng Pilipinas at binalaan na hindi sila awtorisadong maglibot o mag-uumapaw sa mga shoal na ito,” anang PCG sa isang pahayag. RNT