Coastal, underwater cleanup drive isinagawa sa Batangas

Coastal, underwater cleanup drive isinagawa sa Batangas

January 22, 2022 @ 4:24 PM 4 months ago


Manila, Philippines – NAGSAGAWA ng  coastal at underwater cleanup drive sa  Batangas ang Department of Environment and Natural Resources, ilang mambabatas at award winning actor na si Piolo Pascual.

May 50 volunteers mula sa local tourism  ang sumama sa naturang cleanup drive sa pangunguna ni Ang Probinsyano Partylist  Rep. Alfred delos Santos kung saan nakapag-ipon ng nasa 135 kilo ng waste materials.

Sinabi ni Pascual na ang community cleanup drive ay isa lamang sa maraming proyekto ng Ang Probinsyano Partylist na kanyang sinusuportahan.

“I am thankful to have been part of this initiative by Ang Probinsyano Partylist. Environmental issues are close to my heart, and I consider Batangas my home now. I fully support the partylist’s call for everyone to act now and act fast,” pahayag ng aktor.

Dagdag pa ni Pascual na magiging kasama pa siya ng nabanggit na partylist sa pagtulong sa mga joint project sa Maynila at karatig-lalawigan sa parating na mga buwan.

“We welcome the support of Mr. Piolo Pascual in our projects. Rural development is one of our main advocacies. We believe that a clean environment leads to better tourism opportunities for the community, therefore improving the livelihood of our kababayans.  We look forward to working closely with him, hoping to inspire our kababayans to also take part in projects such as this cleanup drive,” wika naman ni delos Santos.

Samantala, nagagalak naman ang Mabini local tourism office sa kolaborasyon sa pagitan ng dalawa dahil sa kabila ng pandemya ay magpapatuloy pa rin ang kanilang regular na cleanup drive projects. Meliza Maluntag