COC cancelation petition vs Marcos ibinasura ng SC

COC cancelation petition vs Marcos ibinasura ng SC

June 28, 2022 @ 2:00 PM 1 month ago


MANILA, Philippines- Ibinasura ng Supreme Court ang petisyong kanselahin ang kandidatura ni President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., na nakatakdang manumpa ngayong linggo, ayon sa sources nitong Martes.

Iginiit ng petitioners, na nire-representa ni Theodore Te, na hindi dapat kilalanin ang certificate of candidacy ni Marcos nang siya ay tumakbo bilang presidente dahil nagsinungaling umano ito ukol sa mga krimen nang siya ay na-convict ng Quezon City court para sa ilang beses na hindi paghahain ng kanyang income tax returns.

Hiniling ng group of civic leaders sa magistrates na ideklarang void ab initio ang certificate of candidacy ni Marcos, na nangangahulugang ang 31,104,175 milyong botong natanggap batay sa unofficial count ay ituring na stray votes.

Binigyang-diin nila na ang nasa ikalawang pwesto na si Vice President Leni Robredo, na nakatanggap ng 14.8 milyong boto ang dapat kilalaning nagwagi sa halalan.

Unang inihain ng grupo ni Te ang petisyon sa Commission on Elections noong Nobyembre  2021. Subalit ibinasura ito ng Comelec en banc makalipas ang Halalan 2022 kung kaya’t iniakyat nbg petitoners ang kaso sa Korte Suprema.

Bilang tugon, iginiit ni Marcos na wala siyang intensyon “to mislead, misinform, and deceive the electorate”.

Maaari namang maghain ang petitioners ng motion for reconsideration bago maglabas ng pinal na desisyon ang SC. RNT/SA