COC filing para sa BSKE, aarangkada sa unang linggo ng Hulyo

COC filing para sa BSKE, aarangkada sa unang linggo ng Hulyo

February 21, 2023 @ 1:48 PM 1 month ago


MANILA, Philippines- Bubuksan ang paghahain ng certificates of candidacy para sa barangay and Sangguniang Kabataan elections (BSKE) sa unang linggo ng Hulyo, ayon kay Commission on Elections (Comelec) chairperson George Garcia nitong Martes.

“Ang plano namin mas maaga. First week ng July plano po natin magpa-file na ng candidacy upang ma-resolve na agad namin ‘yung mga disqualification cases at nuisance cases na minsan ay pagkadami-dami,” pahayag ni Garcia.

Nagpaalala rin siya sa publiko na para sa SK positions, hindi tatanggap ang komisyon ng mahigit 24-anyos. Para sa regular candidates, hindi rin papayagan ang hindi egistered voters.

Nakatakda ang 2023 BSKE sa October 30. RNT/SA