COC filing sa BSKE 2023 itinakda ng Comelec sa Hulyo 3

COC filing sa BSKE 2023 itinakda ng Comelec sa Hulyo 3

February 28, 2023 @ 7:03 AM 3 weeks ago


MANILA, Philippines – Magsisimula na sa Hulyo 3 ang paghahain ng Certificates of Candidacy (COCs) para sa October Barangay and Sangguniang Kabataan Elections (BSKE).

Sa Resolution No. 10899, itinakda ng Commission on Elections (Comelec) ang filing period mula Hulyo 3 hanggang 7.

Ipinagbabawal naman ang campaign activities mula Hulyo 8 hanggang Oktubre 18 habang ang panahon ng kampanya ay sa Oktubre 19 hanggang 28.

Magsisimula ang botohan alas-7 ng umaga at matatapos alas-3 ng hapon.

Ang pagbibilang at canvassing ng mga boto gayundin ang proklamasyon ng mga nanalong kandidato ay magaganap kaagad pagkatapos ng pagsasara ng botohan.

Binigyan naman ng hanggang Nobyembre 29 ang mga kandidato para magsumite ng kanilang Statements of Contributions and Expenditures. Jocelyn Tabangcura-Domenden