COC filing sa BSKE target ng Comelec sa Hulyo

COC filing sa BSKE target ng Comelec sa Hulyo

February 20, 2023 @ 6:12 PM 1 month ago


MANILA, Philippines – Plano ng Commission on Elections (Comelec) na itakda ang panahon ng paghahain ng certificate of candidacy (COC) para sa barangay at Sangguniang Kabataang elections (BSKE) sa Hulyo.

Sinabi ni Comelec chairman George Garcia na ang maagang paghahain ng COC ay para malutas ang mga kaso ng disqualification.

Itinakda ang BSKE sa Oktubre 2023.

Ayon kay Garcia, inatasan nila ang lahat ng election officers na tanggihan na tanggapin ang COC ng SK candidates na mahigit nang 24 taong gulang base sa kanilang rekord.

ā€œTherefore, the filling of candidacy is no longer a ministreaon the part of the Comelec as far as SK is concerned,ā€œ pahayag ni Garcia sa Senate committee on electoral reforms and peoples participation hearing.

Awtomatiko aniyang hindi tatanggapin ang kandidatura kapag hindi registered voters base na rin sa record on file ng Comelec.

Sa nakaraang SK elections noong 2018, humawak ang poll body ng 4,000 disqualification cases na may kaugnayan sa overaged SK aspirants. Jocelyn Tabangcura-Domenden