Coca-Cola sisikaping ‘di magbawas ng empleyado, magtaas ng presyo

Coca-Cola sisikaping ‘di magbawas ng empleyado, magtaas ng presyo

August 24, 2022 @ 10:56 AM 1 month ago


MANILA, Philippines- Nangako ang Coca-Cola Beverages Philippines Inc. na gagawin ang makakaya upang hindi magtanggal ng empleyado at para hindi magtaas ng presyo ng mga produkyo sa kabila ng “operational difficulties:” dulot ng kakulangan sa bottler-grade premium refined sugar.

“We’re no longer running 30-40% of our lines so we do have to slow down already,” pahayag ni Coca-Cola Beverages Philippines Corporate at Regulatory Affairs director Juan Lorenzo Tañada nitong Lunes.

Sinabi ng Coca-Cola Philippines, maging ng Pepsi-Cola Products Philippines Inc. at ARC Refreshments Corp., na nakararanas ang bottling industry ng kakulangan sa premium refined sugar— mahalagang sangkap sa paggawa ng mga produkto nito.

Sinabi ni Tañada na binwasan ng Coca-Cola Philippines ang produksyon nito na resulta ng shortage, na nakaapekto rin sa distribution numbers ng kompanya.

Nauna nang sinabi ng Philippine Association of Stores and Carinderia Owners (PASCO) na negatibong nakaapekto ang kulang na delivery ng soft drinks sa kanilang benta.

Sa kabila ng pagbawas sa produksyon, sinabi ni Tañada na hindi sila magtatanggal ng empleyado.

“Throughout COVID, we did not let go a single person as a result of the pandemic. We really fought hard to not let go of anyone and we are still gonna do our best to not have to do that as well. That’s what we’re probably going to do, even as we slow down our operations,” aniya.

Kamakailan ay sinuspinde ng Coca-Cola Philippines ang operasyon ng plantasyon nito sa Naga City, Camarines Sur dahil sa kakulangan sa suplay ng bottler-grade sugar.

“We apologize to our customers and consumers for this, but rest assured that we are working very hard, not only on our own but as a food and beverage industry. We are working with our legislators and authorities as well to normalize the situation,” pahayag ni Tañada.

Ayon pa sa kanya, hindi gagamit ang Coca-Cola ng high-fructose corn syrup, na may mas mtaas na tax na P12 kada litro kumpara sa “purely caloric sweeteners” kagaya ng asukal na may excise tax na P6 kada litro.

“We try our best not to raise prices of our products,” sabi pa niya.

Inihayag ng Coca-Cola Philippines nitong weekend na kakailanganin ng industriya ng 450,000 metric tons ng premium refined sugar upang ma-utilize ng manufacturers ang 100% ng manufacturing capacity nito para sa balance ng taon at matugunan ang order ng mga kostumer na dumedepende sa kanilang mga produkto para sa kanilang benta at kita.

“I believe that Malacañang is strongly considering it as soon as possible. We are really hopeful because it seems to us that Malacañang is very receptive to our ideas and they are really sympathetic to what we are mentioning as our current situation,” aniya. RNT/SA