Cockpit operations, tradisyunal na sabong sa Alert Level 2 oks na sa IATF

Cockpit operations, tradisyunal na sabong sa Alert Level 2 oks na sa IATF

December 16, 2021 @ 7:48 AM 10 months ago


Manila, Philippines – Pinayagan na ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases ang tradisyunal na sabong at pagbabalik ng cockpit operations sa Alert Level 2 areas.

Samantala, nakasaad sa IATF Resolution No. 154 na kailangan pa rin ng pagpayag ng local government units.

Narito naman ang mga sumusunod na protocol para sa aktibidad:

  • Hanggang 50% venue capacity lamang para sa fully vaccinated individuals

  • Lahat ng on-site workers/employees ng establisimyento ay nararapat na fully vaccinated laban sa COVID-19

  • Dapat magpatupad ng cashless na pagtaya at technology-based platforms only i.e., kung saan walang ‘physical exchange of cash’ sa kahit anong sabungan

  • Dapat din ay mabantayan ito ng Department of the Interior and Local Government.

Iiral naman ang Alert Level 2 sa buong Pilipinas hanggang sa katapusan ng taon. RNT/FGDC