Coco, ‘dinugo’ sa Tate!

Coco, ‘dinugo’ sa Tate!

December 4, 2022 @ 10:00 AM 2 months ago


Los Angeles, USA – Aminado si Coco Martin na nahirapan siya sa shoot ng kanyang filmfest entry na “Labyu With an Accent.”

Halos ‘dinugo’ raw kasi siya dahil hindi sila magkaintindihan ng American crew.

Kaya ang ginawa ni Coco ay nagpatulong siya kay direk Malu Sevilla para maging smooth-sailing ang kanilang shoot.

“Hirap na hirap ako kaya nagpatulong talaga ako kay direk Malu lalo na sa Amerika kasi hindi ko alam kung paano ko kakausapin ‘yung mga camera men doon,” ani Coco.

“Nu’ng nagkaproblema na hindi namin madala ‘yung crew namin, e, nagmakaawa talaga ako sa kanya kahit bagong opera siya at nagpasama ako sa kanya sa US,” dagdag pa niya.

70 percent ng pelikula ay kinunan sa US.

Sinamantala rin ni Coco ang magkaroon ng Pasalamat Tour para sa nga tumangkilik sa Ang Probinsiyano.

Anyway, kasamaa sa cast ng kanilang movie sina Nova Villa, Manuel Chua, Michael de Mesa, Joross Gamboa, Rochelle Pangilinan, G Toengi, Rafael Rosell, Donita Rose, Carlo Muñoz, Cheena Crab, Nikki Valdez, Zeus Collins, Neil Coleta, Jojit Lorenzo, Nash Aguas, JJ Quilantang, Iyannah Reyes, Madam Inutz, Jhai Ho, Marc Solis, Jay Gonzaga, John Medina, Bassilyo, John Estrada at Jaclyn Jose.

Kalahok sa 2022 MMFF, ang pelikula ay palabas na simula sa araw ng Pasko, Disyembre 25 sa buong bansa.  Archie Liao