Coco iniwan si Julia Montes, iniwan din ni Yassi Pressman

Coco iniwan si Julia Montes, iniwan din ni Yassi Pressman

August 9, 2018 @ 1:37 PM 4 years ago


 

Biglang naging viral sensation ang basketball player na si Jon Semira. Ito ay matapos lumabas ang mga litrato at video niya kasama si Yassi Pressman.

Sabi ng ilang netizens si Jon daw talaga ang real-life boyfriend ni Yassi.

Disapponited naman ang fans ng onscreen love team nina Coco Martin at Yassi na umaasang silang dalawa na ang magkakatuluyan sa totoong buhay.

May nag-aakusa naman kay Pressman na salawahan at namamangka raw sa dalawang ilog.

Pagkatapos raw na makipagmabutihan nito kay Coco ay biglang si Semira pala ang gusto.

Ang masaklap pa, iniwan daw ni Coco si Julia Montes para kay Yassi ngunit ito pala ang mangyayari ang ipagpalit din ang actor sa isang Canadian-Filipino basketeer.

Nagsimulang pagdudahang may romansang nagaganap sa dalawang bida sa Ang Probinsyano nang makita silang nagsa-shopping sa London. Nauna rito, naging viral din socmed ang kissing scandal ng dalawa. – PAPAK! Ni ABE PAULITE