Coco Levy Trust Fund Bill, aprubado na sa Bicam!

Coco Levy Trust Fund Bill, aprubado na sa Bicam!

August 2, 2018 @ 9:41 AM 4 years ago


 

Manila, Philippines – Inaprubahan na ng bicameral conference committee ang reconciled version ng Coconut Farmers and Industry Development Act.

Dahil dito, inihayag ni Senenator Cynthia Villar, chairperson ng Committee on Agriculture and Food, na ito na ang magiging katapusan ng mahabang pagpasa sa batas kung saan pakikinabangan ng may 3.5 milyong  magsasaka ng niyog ang kanilang P100-bilyong pondo.

Nasa larawan ang mga kasapi ng bicam panel na sina (nakatayo) Rep. Cecilia Chavez, Sen.Francis Pangilinan, Rep. Celso Lobregat, Rep. Arthur Yap, Rep. Edcel Lagman, Rep. Manuel Sagarbarria; (nakaupo) Rep. Evelina Escudero, Villar, Rep. Jose Panganiban Jr., at Rep. Sharon Garin. Nasa larawan din ang mga opisyal ng Department of Agriculture officials. Kuha ni Cesar Morales

Kabilang ang Senate Bill 1233 o ang Coconut Farmers and Industry Development Act sa priority legislative measures na isinulong ni President Rodrigo Duterte sa State of the Nation Address.

Ang panukala ay kabilang din sa ‘pet bills’ ni Villar upang matugunan ang sustainable development ng coconut industry dahil ito ang may pinakamataas na potensiyal sa pag-unlad sa pamamagitan ng productivity enhancement, diversification at industry value-adding. Remate News Team