Coco Martin, sumingit sa pila ng nagpapa-bakuna?

Coco Martin, sumingit sa pila ng nagpapa-bakuna?

May 29, 2021 @ 8:35 AM 2 years ago


Manila, Philippines – Totoo nga bang sumingit si Coco Martin sa pila ng mga residenteng magpapabakuna sa Barangay Greater Lagro sa Novaliches, Quezon City nitong May 27, Huwebes?

Hindi na raw sana makikilala si Coco kung walang nagpa-selfie sa kanya.

Doon natuklasan na wala dapat sa pila ang aktor maliban na lang daw kung kabilang siya sa A3 category.

Ang mga nasa A3 list o category ay mga taong may comorbidities o karamdaman.

Sila ngayon ang prayoridad sa mga makakatanggap ng free vaccination kasunod ng mga medical frontliners (A1) at mgs senior citizens (A2).

Ayon sa mga naroon, tila wala naman daw comorbidity o ibang sakit si Coco para makihalo sa pila. May nagpasingit nga raw kaya sa aktor?

Hindi raw ba muna nagtanung-tanong si Coco kung sinu-sino pa lang ang maaaring makatanggap ng bakuna?

Pero duda ng iba, baka raw nakakahawig lang ng lalaki sa pila si Coco. Hindi nga raw ba’t dire-diretso ang lock-in taping nito ng Ang Probinsyano hanggang matapos na ang teleserye sa himpapawid?

Paanong nakapuslit si Coco? Ronnie Carrasco III