Coco, nangako, pakakasalan ang mystery jowa!

Coco, nangako, pakakasalan ang mystery jowa!

February 23, 2023 @ 4:30 PM 4 weeks ago


Manila, Philippines – Hindi na nakapalag si Coco Martin nang makorner ni Karen Davila para sa vlog interview nito.

Karen was respectful enough never to drop names kahit obyus namang si Julia Montes ang tinutukoy nito as the actor’s long-time girlfriend.

Tinanong kasi ni Karen ang tungkol sa nobya ni Coco if there exists one.

“Sakto lang,” matipid na sagot ni Coco.

Sinundan ito ni Karen by asking if their relationship would lead to marriage.

Ani Coco, “Dapat lang…dapat.”

With that, may dahilan para magbunyi ang mga CocoJules fans dahil nakakatiyak silang hindi mananatiling “babae” sa dilim ang aktres.

‘Yun nga lang, nakikiusap si Coco na hayaan silang isapribado kung anuman ang nangyagari sa kanyang lovelife.

Katwiran niya, ayaw na niyang gumulo pa ang buhay niya, “Magulo na nga ang mundong ginagalawan ko.”

That explains kung bakit mahigpit palang ipinatutupad ni Coco ang kanyang house rule sa mga kasambahay niya.

Strictly banned sa kanyang tahanan ang mga usapang showbiz kahit na ang mga simpleng tsika tungkol sa mga co-stars niya.

Tablado kay Coco ang mga pag-uusisa kung maganda o mabait ba ang mga nakakasama niyang artista.

In short, walang puwang ang fan mentality sa pamamahay niya! Ronnie Carrasco III