Coco, natagpuan na ang ‘The One’, nagpapagawa na ng bahay!

Coco, natagpuan na ang ‘The One’, nagpapagawa na ng bahay!

January 24, 2023 @ 3:35 PM 1 week ago


Manila, Philippines – Very realistic ang pananaw sa buhay ni Coco Martin.

Mulat ang puso’t isipan niya sa katotohanang lilipas din ang kanyang kasikatan like any other artist.

Kaya sa edad na 41 ay pinaghahandaan na niya ang kanyang kinabukasan.

Sa ngayon, kasama niya ang kanyang lola sa mansion niya somewhere in Quezon City.

Hindi na niya kasama ang kanyang pamilya dahil pinagbukod-bukod na raw niya ang mga ito.

‘Yun ay para na rin daw maiwasan ang karaniwang sigalot that may erupt in the process.

Bale ang mansyong tinitirhan niya ngayon with his lola ang magsisilbing venue na lang for their family reunions.

No, it won’t serve as their dwelling place kapag lumagay na raw siya sa tahimik.

In fact, may bukod na bahay siyang pinapagawa in preparation for his married life.

Hanggang ngayon, tikom pa rin ang bibig ni Coco kung sino ang tinutukoy niyang kakasamahin sa buhay.

Basta natagpuan na raw niya ito, this much he can reveal.

Hindi naman lingid sa publiko kung sino ang mystery girl na ‘yon.

‘Ika nga, respeto na lang sa privacy ni Coco kahit sabihin pang isa siyang public figure. Ronnie Carrasco III