Coco, pinangunahan ang birthday celeb ni Julia, wala pa ring pag-amin sa relasyon!

Coco, pinangunahan ang birthday celeb ni Julia, wala pa ring pag-amin sa relasyon!

March 22, 2022 @ 8:08 PM 3 months ago


Manila, Philippines – Kinu-consider ng bawat taong nagdiriwang ng kanyang kaarawan na milestone ito ng buhay niya.

It is one very special day when he celebates it with gratitude sa mga magagandang nangyayari sa kanyang buhay.

Sa kaso ni Julia Montes, one day late niya ipinagdiwang ang kanyang 27th birthday.

Sa halip na March 19 ay kinabukasan nagkaroon ng selebrasyon kasama ang kanyang mga katrabaho sa FPJ’s Ang Probinsyano.

Siyempre, pinangunahan ‘yon ng kanyang rumored boyfriend na si Coco Martin.

Taong 2016 pa noong maugnay ang dalawa. Naiulat ding ipinagbuntis at isinilang ni Julia ang anak nila ni Coco noong 2020.

Pero magpahanggang ngayon ay hindi pa inaamin ng dalawa ang kanilang relasyon.

At her recent birthday celebration, ikinakilig ng kanilang mga katrababo ang ginawang paghalik ni Coco sa pisngi ni Julia.

Makikita rin sa video na nagyakapan sila.

Inamin na noon ng aktres na isang boyfriend material si Coco dahil mabait at maalaga raw ito.

Ilang birthday pa kaya ni Julia ang bibilangin bago sila umamin ni Coco ng kanilang ugnayan?

O,  no need for public admission kung obvious namang sila na nga?

Kunsabagay. Ronnie Carrasco III