Coconut Palace target ni VP Sara na gawing opisina

Coconut Palace target ni VP Sara na gawing opisina

September 29, 2022 @ 6:07 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Nakikipag-usap na ang Office of the Vice President (OVP) sa Government Service Insurance System na magamit ang Coconut Palace bilang permanenteng opisina ni Vice President Sara Duterte at ng mga susunod pa sa kanyang katungkulan.

Ito ang ibinahagi ni Duterte ngayong Huwebes, Setyembre 29 kasabay ng pagdinig ng Senate finance committee sa proposed P2.3 bilyon budget ng OVP sa 2023.

“Right now, we are talking to GSIS of properties under them that can be donated or sold to the OVP as a permanent property of the OVP,” aniya.

“Right now, we are looking at one property only, and that is the Coconut Palace,” dagdag pa ni Duterte.

Nilinaw naman nito na naghahanap pa rin ang OVP ng iba pang pag-aari ng pamahalaan na magagamit nila bilang permanenteng opisina.

Dagdag pa ni Duterte, naglaan na ang OVP ng P10 milyon pondo bilang downpayment sa makukuhang property upang masiguro ang kontrata.

Hindi pa naman tinukoy ng GSIS ang halaga ng Coconut Palace na siyang naging opisina ni dating Vice President Jejomar Binay mula 2010 hanggang 2016. RNT/JGC