Coconut production ng bansa pinatataasan

Coconut production ng bansa pinatataasan

October 25, 2022 @ 1:35 PM 1 month ago


MANILA, Philippines- Kasunod ng inaasahang pagtaas ng presyo ng palm oil sa world market, hinimok ni House ways and means chairperson Joey Salceda ang Philippine Coconut Authority (PCA) na palakasin ang produksyon at marketing ng coconut oil ng bansa na maaaring ipalit sa palm oil.

Ayon kay Salceda tumaas na sa halos 20% ang presyo ng palm oil at malaking pagkakataon ito para palakasin naman ang merkado ng coconut oil.

“Coconut is the country’s top agri export. We are the world’s best in coconut production. So this is a super crop for us. And the opportunity is presenting itself,” pahayag ni Salceda.

Para palakasin ang coconut oil iminungkahi ni Salceda na gamitin ng PCA ang pondo mula sa Coconut Industry Development Trust Fund o Coco Levy funds upang magawa nito ang export development at marketing programs para sa coconut oil.

“ I am calling on the Philippine Coconut Authority to find ways to market Philippine coconut oil as a viable alternative to palm oil as futures prices continue to rise, and to help our coconut farmers get into the export trade or at least benefit from it,” pagtatapos pa ni Salceda. Gail Mendoza