‘Cocoon’ protective gear sa new normal, idinisenyo ng isang Pinoy

‘Cocoon’ protective gear sa new normal, idinisenyo ng isang Pinoy

May 22, 2020 @ 7:35 PM 4 months ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Ipinakilala ng isang Pinoy designer ang oufit na inspired sa “new normal” bunsod ng novel coronavirus.

Sa isang pahayag, sinabi ni Jerome Salaya Ang na ang “Cocoon” protective gear ang kanyang pananaw sa COVID-19 fashion, gamit ang lightweight at washable na materyales kagaya ng nylon screen mesh.

“We are now living at the edge of a new era. The design philosophy was aimed to be more sporty and flexible so that there is more movability factor when it is worn,” aniya.

Pagpapatuloy pa ni Ang: “And, the sizing is meant to be ‘free’ and genderless. After all, this is what the future is — it’s all about mobility. We also considered our weather here so we opted the usage of lightweight material which is of upmost importance.”

Hinihikayat ang mga kostumer na nais magtanong tungkol sa “Cocoon” outfit na makipag-usap kay Ang sa pamamagitan ng kanyang Facebook at Instagram pages.

Ayon sa kanya, ipagpapatuloy nito ang paggamit ng iba pang fabric upang masigurong kumportable at “stylish” ang protective gear. RNT/MM


  •  
  •  
  •  

Loading...