Code of conduct negotiation sa SCS kasado sa sunod na linggo – DFA

Code of conduct negotiation sa SCS kasado sa sunod na linggo – DFA

March 5, 2023 @ 10:20 AM 3 weeks ago


MANILA, Philippines – MAGPAPATULOY sa susunod na linggo, sa Jakarta ang negosasyon ukol sa Code of Conduct para sa South China Sea.

Ang bagong kaganapan na ito ay matapos na kumpirmahin ng Indonesia, chair ng 10-member ASEAN ngayong taon, na ang nakatakdang pag-uusap ukol sa pinagtatalunang katubigan ay pinatindi ngayong taon kasunod ng miting sa pagitan nina Indonesian Foreign Minister Retno Marsudi at kanyang Chinese counterpart na Qin Gang.

Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), ang meeting ay nakatakdang maganap sa Marso 8 at 9. “It will be the 38th meeting of the Joint Working Group and will be held at the ASEAN Secretariat.” dagdag pa ng ahensya.

Ang huling round ng pag-uusap hinggil sa COC ay nangyari sa Cambodia noong Oktubre 2022.

“The meeting will continue the negotiation and deliberation on the single negotiated text of the COC,” ayon kay Ma. Teresita Daza, DFA spokesperson, sabay sabing “the JWG will be deliberating on the same text on the general provisions.” Kris Jose