Code of Conduct sa gobyerno, aamendahan ng Senado – Drilon

Code of Conduct sa gobyerno, aamendahan ng Senado – Drilon

September 23, 2020 @ 7:20 PM 1 month ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Hinikayat ni Senate Minority Leader Franklin Drilon ang Office of the Ombudsman na magsumite ng espisipikong panukala upang mapalakas ang  Republic Act 6713 o ang  Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees.

Sa panayam, sinabi ni Drilon na nananawagan siya sa Ombudsman na magsumite ng panukala upang kaagad maamendahan ang naturang batas at mapalakas ito at  umakma sa kasalukuyang panahon.

“I suspect that the views of the Ombudsman reflects the thinking of the Supreme Court being a former member of the High Court and a Sandiganbayan justice,” aniya.

Ayon kay Drilon, malaking tulong ang pag-amyenda sa pagsugpo ng korapsyon kung matutugunan ang pangangailangan ng gustong baguhin ng Ombudsman.

 Isinasampa ang kasong korapyon sa korte, sa Ombudsman at sa   Sandiganbayan.

“Hence, it behooves Congress to listen to what the judiciary is saying and find out how it can amend the law and make it attuned with the times,” giit niya.

“We will examine the existing law and we will look at measures to further strengthen the principle of transparency,” paliwanag pa ng senador. Ernie Reyes


  •  
  •  
  •  

Loading...