Code of ethics ng mga mamahayag, inaasahang masusunod ng vloggers – NPC

Code of ethics ng mga mamahayag, inaasahang masusunod ng vloggers – NPC

June 2, 2022 @ 10:10 AM 3 weeks ago


MANILA, Philippines – Kasunod ng pahayag ni Presidential Communication Operation Office Sec. Designate Atty. Trixie Angeles na pagbibigay ng access sa vloggers para sa mga press briefing sa Malakanyang, sinabi naman ng National Press Club (NPC) na magiging responsableng miyembro ng press ang vloggers at online broadcaster.

Sinabi ni NPC Sec. Paul Gutierrez, na suportado nila ang plano ni Angeles at sa katunayan aniya ay isa ang NPC sa mga nagtulak para mabuo ang Philippine Online Broadcasters Association o POBA.

Umaasa naman si Gutierrez na magiging gabay ng vloggers ang code of ethics ng National Press Club tungo sa responsableng pamamahayag. Jocelyn Tabangcura-Domenden