Code White Alert sa mga ospital, ikinasa

Code White Alert sa mga ospital, ikinasa

December 28, 2022 @ 9:17 AM 1 month ago


MANILA, Philippines – Inilagay na sa code white alert ang mga government hospital sa bansa bilang paghahanda sa posibleng fireworks-related injuries sa pagsalubong ng Bagong Taon.

Nangangahulogan na ang health emergency services ay naka-standby 24/7 at on call ang mga doctor at nars.

Sa pinakahuling datos ng Department of Health (DOH), karagdagang limang kaso ng fireworks-related injuries ang iniulat sa bansa na nagdala sa kabuuang 25.

Sinabi ni DOH officer-in-charge Maria Rosario Vergeire sa press briefing na ang caseload ng firecracker-related injuries sa ngayon ay 14% na mas mataas sa 22 kaso na naitala sa kaparehong panahon noong 2021.

Pangunahing sanhi ng firecracker-renated injuries ang boga na may walong sugatan, sinundan ng whistle bomb na may 4; kwitus na may 3; at 5-star na may 2 sugatan.

Ang naturang mga kaso ay naitala mula December 21 hanggang 27.

“Last year, at this same time period we had 22 cases so our cases right now are 14% higher than that of last year,” sabi ni Vergeire

Nauna nang hinimok ng DOH ang publiko na ipagpatuloy na ugaliin ang mas ligtas na selebrasyon ng Bagong Taon sa pamamagitan ng paggamit ng alternatibong paraan para sa pag-iingay. Jocelyn Tabangcura-Domenden