Coding sa Undas, suspendido-MMDA

Coding sa Undas, suspendido-MMDA

October 28, 2022 @ 7:26 AM 1 month ago


MANILA, Philippines – Suspendido ang expanded number coding scheme sa Oktubre 31 at Nobyembre 1 kaugnay ng All Saints’ Day o Undas, sabi ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).

Ayon sa Facebook post ng MMDA nitong Huwebes, ang mga sasakyang may plate number na nagtatapos sa 1 hanggang apat ay makakabiyahe sa Metro Manila sa loob ng coding hours sa mga nabanggit na petsa.

Sa ilalim ng karaniwang coding scheme, ang mga sasakyang may plate number na nagtatapos sa 1 at 2 ay hindi pinapayagang bumiyahe sa mga pangunahing kalsada sa mga oras ng coding tuwing Lunes, habang ang parehong panuntunan ay nalalapat tuwing Martes para sa mga sasakyang may plate number na nagtatapos sa 3 at 4.

Naghanda ang MMDA ng 1,500 tauhan bago ang Undas para matiyak ang kapayapaan at seguridad sa abalang holiday. RNT