Coffee production palakasin para iwas import – DA

Coffee production palakasin para iwas import – DA

December 9, 2022 @ 7:52 AM 2 months ago


MANILA, Philippines – Hinimok ng Department of Agriculture sa Cordillera Administrative Region (DA-CAR) ang mga residente ng rehiyon na palakasin ang produksyon ng kape at samantalahin ang pagkakataon na kumita sa pagbebenta ng high-value crops sa bansa.

Ito ay upang mabawasan din ang dependency ng bansa sa mga imported na kape.

“We have to plant more coffee because we are still importing at least 70 percent of the country’s coffee supply that is used as fresh coffee beans or processed as instant coffee,” sinabi ni Jennilyn Dawayan, DA-CAR regional technical director for research and regulations, nitong Huwebes, Disyembre 8 sa pagbubukas ng ika-5 La Trinidad Coffee Festival.

Sabi pa ni Dawayan, maliban sa pagbaba ng importation sa kape, ang pagpapalakas sa lokal na produksyon ng kape ay nangangahulugan ng mas mataas na kita sa mga coffee-growers sa ilalim ng High-Value Crops Development Program (HVCDP).

Ang kape ay kasama sa listahan ng high-value crops kung saan ang green coffee beans ay naibebenta mula P300 hanggang P450 kada kilo.

Kasabay naman ng Coffee Congress o ng Philippine Rural Development Program (PRDP) sa Davao dalawang buwan na ang nakalilipas, sinabi pa ni Dayawan na ang kape mula La Trinidad ay naibebenta ng P1,000 kada kilo.

“Unfortunately, only five kilograms were brought during the event. So, these are proofs of a good venture if you will go into coffee production,” aniya.

Dagdag pa, mayroong sapat na pasilidad ang La Trinidad sa produksyon ng kape mula sa nursery hanggang post-harvest.

“If there is one product in the region that we are truly proud of, it is coffee. The Cordillera is Best Arabica Coffee Producer in the Philippines. We have been winning in the Philippine Quality Coffee Competition (PCQC) and we have the advantage because we have the suitable climatic condition,” ani Dayawan. RNT/JGC