Coldplay, magbabalik-Pinas!

Coldplay, magbabalik-Pinas!

August 21, 2022 @ 2:48 PM 1 month ago


London, England – After five years, simula nu’ng huling nag-perform ang bandang Coldplay sa Pinas, magbabalik ulit sila sa bansa.

Inanunsyo ito mismo ng manager at creative director ng British rock band na si Phil Harvey.

Mukhang hindi lang ang Filipino fans ang excited, maging ang Coldplay members ay excited dahil napa-post pa ang isa sa members nito.

“We are coming to the Philippines sometime soon. It’s happening. It’s on,” said Neil Enore of Coldplay sa isang Facebook video post.

2017 pa nang huling mag-perform ang banda sa Pilipinas, bahagi ng A Head Full of Dreams World Tour. Kaya naman marami talaga ang excited dahil it’s literally been years.

Wala pa namang inanunsyo kung kailan pero grabe na ang excitement ng Pinoy.

Kailan ba ‘to? Ready na ba kayo na pumila for tickets? Paula Jonabelle Ignacio