Coleen, aminadong insecure!

Coleen, aminadong insecure!

July 27, 2022 @ 8:07 AM 2 weeks ago


Manila, Philippines – Malaki ang ipinagbago ng buhay ni Coleen Garcia mula nang ikasal siya kay Billy Crawford at ipinanganak niya ang baby nilang si Baby Amari.

Ayon sa aktres, choice raw niya na piliin na bigyan ng prayoridad ang kanyang pagiging ina kesa sa kanyang career.

Gayunpaman, aminado siyang nami-miss niya ang pagkakaroon ng daily show tulad ng It’s Showtime.

Paminsan-minsan ay tumatanggap pa rin daw siya ng showbiz offers as long as swak sa kanyang espasyo.

Pero kung iisipin daw niya ang kanyang anak, willing daw siyang isakripisyo ang kanyang career para sa kanyang baby.

Ibinida rin niya na kahit lumiit ang kanyang mundo, wala raw kapantay na reward ang pagiging isang ina.

Katunayan, kahit nahihirapan, alaga raw niya sa pagbri-breastfeed si Baby Amari.

Never daw niyang pinadede ang anak sa bote kesehodang maging dependent ang bunso sa kanyang gatas.

Ito raw ang dahilan kaya hindi niya basta maiwan ang anak dahil magugutom ito kapag wala siya.

Goal daw niya noon na hanggang 2 years old lang siya magpapa-breastfeed sa anak pero lumampas na raw ito ng tatlong taon.

Paminsan-minsan, hindi naman niya ikinaila na nakakaramdam pa rin siya ng insecurity.

Lumaki raw kasi siyang may bubog kaya hindi na mawawala iyon sa sistema niya.

Saving grace raw niya si Billy dahil never siyang pinagsalitaan ng masakit ng mister.

Katuparan daw ng kanyang pangarap ang magkaroon ng buong pamilya lalo pa’t galing siya sa broken family.

After #Y, balik-Cinemalaya si Coleen Garcia sa Kaluskos na idinirehe ni Roman Perez, Jr. kung saan siya ang bida.

Aniya, sobra raw siyang nakaka-relate sa kanyang role dahil isa na siyang ina sa tunay na buhay. Archie Liao