Colegio de San Lorenzo: Tuition refunds patuloy

Colegio de San Lorenzo: Tuition refunds patuloy

August 24, 2022 @ 6:20 PM 1 month ago


MANILA, Philippines- Sinabi ng Colegio de San Lorenzo (CDSL) na naproseso na nito ang tuition refund ng K to 12 at basic education pupils maging ang mahigit kalahati ng college students nito.

Sa anunsyo nitong Miyerkules, sinabi ng board of trustees ng paaralan na na nakahanda na lahat ng tseke.

Pwedeng kunin ng mga estudyante at magulang ang kanilang mga tseke sa accounting office tuwing weekdays, mula alas-9 ng umaga hanggang alas-5 ng hapon, ayon dito.

Mananatiling bukas ang mga opisina ng CDSL sa Quezon City hanggang Setyembre 20, dagdag pa nito.

Subalit, sinabi ng spokesperson ng paaralan na si Atty. Vixen Dorado, na hindi lahat ng apektadong mag-aaral ay nakahanap ng lilipatang paaralan.

Sinabi niya na hindi alam ng CDSL ukol sa lahat ng transferdahil ilang estudyante ang sila mismo ang nag-asikasp ng kanilang transfer.

Bukod sa pag-asiste sa mga estudyante, sinabi ng paaralan na nakikipag-ugnayan ito sa Labor department upang makahanp ng trabaho para sa halo 100 displaced teaching at non-teaching personnel. RNT/SA