Collab ng ABS-CBN at GMA, ilalabas sa Kapuso!

Collab ng ABS-CBN at GMA, ilalabas sa Kapuso!

November 15, 2022 @ 8:19 AM 3 weeks ago


Manila, Philippines – Sino’ng maysabing imposible nang pagsamahing muli sina Jodi Sta. Maria at Richard Yap just because the latter is no longer with ABS-CBN?

Good news para sa kanilang mga fans dahil meron silang reunion project.

Matatandaang mainit na tinanggap ng mga manonood ang kanilang tambalan via Please Be Careful With My Heart.

The TV series which aired on Kapamilya channel ran from 2012 to 2014.

At ngayon nga, Jodi and Richard are back via a collaboration between ABS-CBN and GMA.

Ito’y ang Unbreak My Heart produced by Dreamscape Entertainment sa ilalim ng ABS-CBN.

Kung ganoon, ipalalabas din ba ito sa Kapamilya channel?

The answer is a big NO!

The series will air on GMA in 2023.

Nagkasarahan na nga ng partnership deal between the two top executives na sina Cory Vidanes of ABS-CBN and Anette Gozon-Valdes of GMA.

Hindi pa malinaw kung sinu- sino pa ang bubuo ng cast.

But nonetheless, such collaborative project is a welcome news in the entire broadcast industry.

Imagine ang mga dating nagpapatalbugang networks ay nagsanib puwersa?

This collab also augurs well for actors regardless of network affiliation.

This might jumpstart future partnership deals on TV, at malay natin sa ibang platforms.

So, is the network war finally over? Ronnie Carrasco III