Collab ng GMA at ABS-CBN, kasado na!

Collab ng GMA at ABS-CBN, kasado na!

January 20, 2023 @ 4:08 PM 2 weeks ago


Manila, Philippines – “Unbreaking this January 23.”

Ito ang nagsusumigaw na 16-second teaser ng collaboration ng dalawang higanteng network ng bansa na GMA at ABS-CBN kasama ang streaming app na Viu na viral sa social media.

Pagkumpirma nga ito sa naunang napaulat na pagsasanib-puwera ng dalawang istasyon via Unbreak My Heart.

Tampok dito sina Jodi Sta. Maria at Richard Yap.

Kasama rin sa cast sina Joshua Garcia at Gabbi Garcia.

Matatandaang noong April last year ay naganap ang makasaysayang pagpapalabas ng mga pelikula ng Star Cinema sa GMA.

Marami nga ang humula na hudyat ‘yon ng mga future collaborations ng dalawang network.

Ang Star Cinema ay ang film arm ng ABS-CBN.

Welcome news ito para sa mga bituin mula sa dalawang network as it could be the end of the raging war between the two.

Masasabing resulta ito nang hindi pagkalooban ng prangkisa ng Kongreso ang ABS-CBN noong July 2021.

On Unbreak My Heart, nakasaad sa teaser na ito’y bagay that nobody expected would happen.

Dating Kapamilya artist si Richard Yap who moved in to GMA in 2021.

His first series sa nilipatang istasyon ay I Love Sorsogon which paired him with Heart Evangelista.

Bale pahimakas ang guesting ni Richard sa Bawal Judgmental na segment ng Eat Bulaga sa paglipat niya sa GMA.

Nasundan ng afternoon prime show na Abot-Kamay na Pangarap ang first ever teleserye ni Richard kung saan kasama niya sina Carmina Villaroel at Jillian Ward. Ronnie Carrasco III