COLLABORATION NG AHENSYA TUGON SA KAHIRAPAN

COLLABORATION NG AHENSYA TUGON SA KAHIRAPAN

December 9, 2022 @ 8:30 AM 2 months ago


LUMABAS ang totoong bilang ng itinuturing na mahihirap na pamilya sa bansa batay sa inilabas na ulat ng “Listahanan 3” ng Department of Social Welfare and Development kung saan napapaloob din dito ang mga kadahilanan kung bakit nagtitiis ang karamihan sa mga kababayan natin.

Lumutang din sa resulta ng masusing pag-aaral na ang kakulangan ng suplay ng ‘potable water’ ng ‘poor households’ at kawalan ng kuryente ang ilan lang sa dahilan kung bakit sila ay nakararanas ng paghihirap sa araw-araw na hamon ng buhay.

Nakalulungkot isipin na may isang rehiyon na halos 74,542 na pamilya ang gumagamit pa rin ng kerosene o gaas bilang nagsisilbing ilaw ng kanilang kabahayan kaakibat ang kahoy o firewood na ginagamit naman nila sa pagluluto ng pagkain sa kabila ng pagsulputan ng mga modernong lutuan kagaya ng stove at electric oven.

Maging ang karamihan sa mangingisda’t magsasaka ng mahihirap na rehiyon ay umaasa na lang sa sariling sikap upang maitawid ang pang araw-araw na pagkain ng mga pamilya nilang kung meron mang nagtatrabaho sa mga among burgis ay kakarampot naman ang ibinibigay na sweldo.

Karamihan sa tinaguriang poor households ay ‘yung nakatira sa kabundukan at liblib na mga lugar kung saan malayo sa kabihasnang sadyang payak ang pamumuhay at bihirang bisitahin ng nasyunal at lokal na gobyerno upang kahit paano’y mabigyan ng ayuda.

Sa usapin ng Listahanan 3, layunin nitong mabigyan ng mukha ang mahihirap na pamilya sa bansa at mabigyan ng kaukulang tulong at kabuhayan sila upang maibsan ang nararanasang kahirapan.

Ito rin ang isinusulong na programa ni Pangulong Bongbong Marcos na pagkakaisa at kolaborasyon ng mga ahensya upang matugunan ang kaliwa’t kanang suliraning sadyang nagpapahirap sa itinuturing na nasa laylayan ng lipunan.

Bagaman noon pa man ay DSWD na ang nangunguna sa pagkalinga na mga marginalized sector sa pamamagitan ng iba’t-ibang programa nito katulad ng Pantawid, Assistance to Individuals in Crisis Situation, Sustainable Livelihood Program, Kalahi at iba pang katuwang ng mahihirap na pamilya subalit kailangan pa rin magkaroon ng convergence at collaboration ang mga ahensya sa usaping ito upang tuluyan nang maiahon sa kahirapan ang pobreng mga pamilya.

Sila ang marapat na pagtuunan ng atensyon ngayon ng gobyerno sa gitna ng nararanasang krisis nila.

Lumabas ang totoong bilang ng itinuturing na mahihirap na pamilya sa bansa batay sa inilabas na ulat ng Listahanan 3 ng DSWD kung saan napapaloob dito ang mga kadahilanan kung bakit nagtitiis ang karamihan sa mga kababayan natin.

Lumutang din sa resulta ng masusing pag-aaral na ang kakulangan ng suplay ng potable water ng poor households at kawalan ng kuryente ang ilan lang sa dahilan kung bakit sila ay nakararanas ng paghihirap sa araw-araw na hamon ng buhay.