Collection target nalampasan ng BIR sa unang 100 araw ng Marcos admin

Collection target nalampasan ng BIR sa unang 100 araw ng Marcos admin

October 25, 2022 @ 2:55 PM 1 month ago


MANILA, Philippines- Iniulat ng Bureau of Internal Revenue (BIR) nitong Martes na nalampasan nito ang collection goal, 100 araw matapos magsimula ang Marcos administration noong Hulyo.

Inihayag ng BIR na nakakolekta ito ng P426.327 bilyon mula Hulyo hanggang Agosto 2022.

Mas mataas umano ito ng 1.25% o P5.259 bilyon para sa nasabing period.

Sa buwan lamang ng Huloy, sinabi ng BIR na nakakolekta ito ng kabuuang P14.8 bilyon mula sa major tax reforms: TRAIN Law (P1.9 bilyon), Sin Tax Law (P1.9 bilyon), at CREATE Act (P1.9 bilyon).

Mula sa Estate Tax Amnesty Program, inihayag ng ahensya na nakakolkta ito ng P221.996 milyon mula sa 7,770 filers mula Hulyo hanggang Agosto.

Nakadagdag din sa koleksyon ang implementasyon ng BIR Priority Programs kung saan nakakuha rin ng tax collection. RNT/SA