Collection target ng BOC nitong Pebrero nahigitan pa

Collection target ng BOC nitong Pebrero nahigitan pa

March 3, 2023 @ 2:44 PM 3 weeks ago


MANILA, Philippines – Nalampasan pa ng Bureau of Customs (BOC) ang target revenue collection nito para sa buwan ng Pebrero na aabot sa P1.19 bilyon.

Sa preliminary report na inilabas ng ahensya nitong Biyernes, Marso 3, lumampas sa P63.015 bilyon ang kita nila noong nakaraang buwan mula sa P61.82 bilyon na target nito.

Mas mataas naman ng P3.58 bilyon sa P59.43 bilyon collection ang nakuha nila ngayong buwan kumpara sa kaparehong buwan noong nakaraang taon.

Sa pahayag, nangako naman si Customs Commissioner Bienvenido Rubio “to continue to innovate and implement sustainable reforms to boost the Bureau’s collection efficiency, which will contribute to the expansion and recovery of our national economy.”

“For this to be possible, we will also prioritize fostering a healthier trade environment through enhanced and modernized mechanisms for efficient trade facilitation and improved Customs operations for all our stakeholders,” dagdag pa niya.

Iniulat din ng BOC na hanggang nitong Pebrero 28, nakakolekta ang ahensya ng kabuuang P133.380 bilyon o mas mataas ng P8.641 bilyon mula sa P124.738 bilyon na target nila sa unang dalawang buwan ng 2023. RNT/JGC