College stude sabog-bungo sa Basilan

College stude sabog-bungo sa Basilan

January 19, 2023 @ 8:03 AM 1 week ago


BASILAN – Patay ang isang estudyante sa kolehiyo sa nangyaring drive-by shooting sa lalawigan nitong Miyerkules, ayon sa ulat ng isang mataas na opisyal ng pulisya.

Kinilala ni Lt. Col. Junpikar Sitin, hepe ng pulisya ng Isabela City, ang biktimang si Umaer Atta, 22, na binaril hanggang sa mapatay sa Salain Drive, Barangay Sumagdang, Isabela City.

Lumabas sa imbestigasyon na minamaneho ni Atta ang kanyang motorsiklo nang pagbabarilin ng isa sa dalawang lalaking riding tandem sakay ng isa pang motor na nakabuntot sa biktima.

Tinamaan sa ulo ang biktima at agad na namatay.

Mabilis na tumakbo ang mga suspek patungo sa direksyon ng bayan ng Lantawan.

Inaalam pa ng pulisya ang motibo at pagkakakilanlan ng mga suspek. RNT